Limitadong doses ng Pfizer iturok sa medical frontliners

Ang Pfizer ang isa sa mga bakuna laban sa COVID na pinipilahan sa mga vaccination sites at kabilang din sa pangunahing choice ng mga nais magpabakuna.
AFP/Joel Sage

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co sa pamahalaan na iturok na lamang ang limitadong supply ng Pfizer vaccines sa mga healthcare wor­kers o medical frontliners na nasa mga COVID-19 hot­spots.

Ayon kay Co, marami pa sa mga healthcare frontliners na nagtatrabaho sa mga ospital ang hindi pa nababakunahan laban sa virus.

Ang Pfizer ang isa sa mga bakuna laban sa COVID na pinipilahan sa mga vaccination sites at kabilang din sa pangunahing choice ng mga nais magpabakuna.

Sinabi ng lady solon na dapat unahin sa prayoridad ang health workers lalo na sa mga ospital na mataas ang kaso ng COVID at nasa mga lugar na COVID hotspots.

Sinabi ni Co na ang mga senior citizens partikular na ang may comorbidities o may mga sakit at mga Persons With Disabi­lities (PWDs) ang dapat mauna sa prayoridad sa bakuna.

Show comments