‘Pasahe’

(Part 2)

“PASENSIYA ka na Manong. Talaga lang po naubusan ako ng pamasahe kaya  nilakasan ko ang loob na sa iyo lumapit,’’ sabi ng lalaking estudyante na sa tantiya ko ay mga 16-anyos at nasa unang taon ng kolehiyo. Naka-itim na pants at puting polo. Sa tingin ko ay hindi naman manloloko ang estudyante.

Tinapat ko ang estudyante na wala rin akong pera at kasyahan lang na pamasahe ang natitira bago ang araw ng suweldo.

“Mayroon akong P40 rito. Hahatiin ko, tig-20 tayo para may pamasahe ka nang makarating sa inyong bahay,” sabi ko at dinukot ang P20 sa aking lumang pitaka. Iniabot ko sa estudyante.

“Salamat po Manong. Babayaran po kita. Hindi ko po alam kung kailan pero babayaran kita,” sabi ng ­estudyante.

“Okey lang yan. Kahit hindi mo na ako bayaran.’’

“Salamat Manong.’’

Nagmamadaling umalis ang estudyante.

Ako naman ay pumara ng dyip patungong Sto. Domingo, QC.

Pagdating ko sa bahay, kinuwento ko kay Misis ang nangyari.

“Naku maraming ganun ­ngayon. Kunwari naubusan ng pamasahe.’’

“Bahala siya kung niloko ako.’’

Nakalimutan ko na ang ­pangyayari hanggang sa lumipas ang maraming taon.

Itutuloy

Show comments