Mga estudyanteng hinusgahan agad!

Narito ang ilang sikat na personalidad na bago naka­rating­ sa pinakarurok ng tagumpay ay nakaranas ng panlalait ng kanilang guro:

l Si Albert Einstein ay pinatalsik sa Zurich Polytechnic School dahil sinabi ng kanyang titser na siya ay “mentally slow” at wala nang pag-asang matuto.

l Si Ludwig van Beethoven, ang sikat na German composer at pianist, ay sinabihan ng kanyang supladang titser na “hopeless composer”.

l Si Enrico Caruso, ang Italian tenor na sumikat noong early 1900s, ay sinabihan ng titser na hindi maganda ang boses at walang pag-asang maging mang-aawit.

l Si Auguste Rodin, ang magaling na French sculptor na lumikha ng The Thinker ay sinabihan ng kanyang titser na “worst pupil in this school”. Ang masakit sinabihan din siya ng kanyang ama na “My idiot son”.

l Si Leo Tolstoy na awtor ng War and Peace ay ilang beses bumagsak sa kolehiyo at sinabihan ng kanyang propesor na “both unable and unwilling to learn”.

l Si Peter J. Daniels ay sinabihan ng kanyang fourth grade teacher na si Mrs. Phillips ng “you are no good, you’re a bad apple and you’re never going to amount to anything”. Ngayon ay kilala siyang Australian professional speaker, awtor siya ng 13 books, kabilang ang librong may pamagat na: Mrs. Phillips, You Were Wrong!

Show comments