MANILA, Philippines — Nagbigay ng mensahe si Vice President Sara Duterte sa mga tatay sa Father’s Day.
Sa Facebook post ni Duterte, binati niya ang kasipagan at pagmamahal ng mga haligi ng tahanan.
“Maraming salamat sa mga magiting, masipag, at mapagmahal na haligi ng ating mga tahanan – ang ating mga ama,” ani Duterte.
“Mula sa inyong lakas, determinasyon, at pagsisikap para sa inyong pamilya umuusbong at nahuhubog ang mga kabataang mamumuno at magtataguyod sa kinabukasan ng ating bayan,” aniya pa.
Hangad naman daw ng opisina ng bise presidente ang tagumpay sa bawat haligi ng tahanan.
“Dalangin namin ang inyong tagumpay at ang katuparan ng inyong mga hangarin para sa inyong mga pamilya,” wika pa ni Duterte.