Mga tatakbo sa halalan dapat gumamit ng bagong larawan sa campaign materials - Comelec

A man has a drink in front of posters plastered on a wall ahead of the May 9 presidential election in Manila on May 8, 2022.
AFP/Chaideer Mahyuddin

MANILA, Philippines — “Dapat gumamit ng mga bagong larawan sa campaign materials ang mga tatakbo sa susunod na eleksyon.”

Ito inihayag ni Comelec Chair George Garcia na dapat bagong larawan ang ilagay sa mga poster bilang requirements sa Fair Elections Act upang maiwasan ang misrepresentation sa campaign materials ng mga ito para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Anang poll chief, maaaring i-require nila ang mga kandidato na magsumite ng hanggang 10 bagong larawan na kuha sa nakalipas na anim na buwan lamang, na gagamitin sa kanilang campaign streamers, posters at social media posts.

“Hindi po ba mas maganda? Pictures na nga lang eh, hindi pa tayo magkatotoo,” ayon pa kay Garcia.

Ipinaliwanag ni Garcia na ang paglilimita sa mga larawang gagamitin sa kampanya sa mga bagong kuhang larawan lamang, ay makatutulong sa mga botante upang maging mas pamilyar sila sa mga kandidato.

Show comments