2 lalaki itinumba sa Cavite

Unang insidente ay naganap sa Naic, alas-8:06 ng umaga na kung saan ay nag-aabang ang biktimang si Francis Colibao, nasa hustong gulang kasama ang katrabaho nito sa Ciudad Nuevo, Brgy. Sabang, Naic ng masasakyan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaki sa naganap na pamamarill sa magkahiwalay na lugar sa Cavite, kamakalawa.

Unang insidente ay naganap sa Naic, alas-8:06 ng umaga na kung saan ay nag-aabang ang biktimang si Francis Colibao, nasa hustong gulang kasama ang katrabaho nito sa Ciudad Nuevo, Brgy. Sabang, Naic ng masasakyan.

Nang lumapit ang isang lalaki at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang suspek. Habang hindi ginalaw ang katrabaho nito.

Dakong alas-12:30 naman ng hating gabi nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek ang pangalawang biktima na isang lalaki na alyas Bornok habang naglalakad sa Campupot St., Brgy. Zapote 1, Bacoor City na agad nitong ikinasawi.

Show comments