Speaker Romualdez umangat trust, satisfaction ratings - survey

Speaker Martin Romualdez on February 8, 2024.
Pool photo by Noel Pabalete

MANILA, Philippines — Bukod tanging si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga pinakamataas na opisyal ng bansa ang nagkaroon ng pagtaas sa trust at satisfaction ratings batay sa resulta ng survey ng Tangere.

Ayon sa survey ng Tangere noong nakaraang buwan, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 52 porsyentong pagtaas sa trust rating mula sa 51 porsyento noong Pebrero.

Ang satisfaction rating naman ng lider ng Kamara ay nakapagtala ng 41 porsyentong satis­faction rating tumaas ng isang pors­yento kum­para sa survey noong Pebrero.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 2,000 respon­dents. Mayroon itong margin of error na +/- 2.2 porsyento at confidence level na 95 porsyento.

Sa kaparehong survey, nakakuha si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng 54 ­por­­­s­­y­entong trust rating at 41 porsyentong satisfaction rating habang si Vice Presi­dent Sara Duterte ay nakapagtala ng 64 porsyentong trust rating bumaba ng 4 porsyento, at 54 porsyentong satisfaction rating bumaba ng 54 porsyento.

Show comments