Lakas-CMD stalwarts lumagda sa manifesto ng suporta kay Romualdez

Si Romualdez ang siyang tumatayong presidente ng Lakas -Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD ) na may 94 ng miyembro at kabilang naman sa lumagda sa manifesto ay si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Ferdinand Martin Romualdez Facebook

MANILA, Philippines — Lumagda sa manifesto ng pagsuporta sa liderato ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa gitna na rin ng walang basehang alegasyon laban dito hinggil sa People’s Initiative (PI) ang mga miyembro ng Lakas-CMD.

Si Romualdez ang siyang tumatayong presidente ng Lakas -Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD ) na may 94 ng miyembro at kabilang naman sa lumagda sa manifesto ay si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix”  Dalipe, Lakas-CMD Executive Vice President, ang nasabing manifesto  ay nilikha at nilagdaan ng mga miyembro ng partido upang panatilihin ang prinsipyo ng demokrasya.

Ang Lakas-CMD ay ang nangungunang partido pulitikal sa Kamara na may mahigit 300 miyembro kung saan si Romualdez rin ang tumatayong House Speaker.

Tinukoy pa sa manifesto na sa ilalim ng liderato ni Romualdez ay maganda ang rekord ng Kamara na napagtibay ang mga panukalang batas para sa paglago ng ekonomiya, paglikha ng trabaho at pagpapabuti ng pangkalahatang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Si Romualdez,pinsan ni Pangulong Marcos ay siyang nangungunang kaalyado ni Pangulong Marcos sa paggawa ng lehislatura kung saan nasa 100 % na ang naipadala sa palasyo ng Malacañang ng higit na maaga sa itinakdang deadline.

Show comments