Bebot pinatay sa motel

MANILA, Philippines -  Isang hindi pa kila­lang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang motel sa Brgy. Bagabas, Daet, Camarines Norte.

Ang biktima ay inilarawan na nasa 19-20 ang edad na may tama ng apat na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, bago natagpuang patay ang biktima sa ilalim ng kama sa room 7 ng Travellers Hotel noong Biyernes ng umaga ay nag-check-in ito kasama ang hindi pa kilalang lalaki at nagbayad ng hotel bill para sa 24 oras na pananatili doon.

Ayon sa staff ng motel naunang lumabas ang la­laki at nagtataka sila kung bakit hindi pa lumalabas ang babae.

Kaya’t tinungo nila ang silid at dito natuklasang patay na ang babae dahil sa mga tinamong saksak.   

Show comments