Arrest warrant tinakbuhan ni Trillanes?

MANILA, Philippines – Nagkataon o sinadya?

Ganito ang nasa isipan ng ilang tagamasid dahil ilang araw bago ipalabas ang warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court  sa kasong libelo na isinampa ni dating Makati Mayor Junjun Binay ay umalis sa bansa si Senador Antonio Trillanes IV at nagpunta sa Estados Unidos.

Kinumpirma ng abogado ni Trillanes na nagtungo ito  sa US para sa isang opisyal na misyon.

Magugunita na nag-utos ang korte na arestuhin si Trillanes nang ipalabas noong Pebrero 1 ang arrest warrant sa nasabing  kaso.

Ayon sa clerk of court na si Atty.  Maricel Rufin Cairo, na may nakitang probable cause sa kasong libelo laban kay Trillanes kaya nagpalabas ng arrest warrant si Makati RTC Branch 142 Judge Dina Teves.

Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso ni Binay ng libelo laban kay Trillanes noong Abril 2015 makaraang akusahan ng senador ang alkalde at pamilya nito ng panunuhol ng tig P25 milyon sa dalawang justices ng Court of Appeals na dahilan para maglabas ng temporary restraining order at writ of preliminary injunction na pumipigil sa pagpapatupad ng suspension order ng Ombudsman laban kay Binay.

Ayon kay Binay na ang mapanirang mga pahayag ni Trillanes ay gawa-gawa lang na walang ibang layunin kundi sirain ang kanyang reputasyon at ang pangalan niya at ng kanyang pamilya.

Sinuspinde noon ng Ombudsman si Binay dahil sa kasong overpricing sa pagpapatayo ng parking building ng Makati City Hall.

 

Show comments