Service clerk nalunod sa Xmas party sa beach

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masayang Christmas party ng isang kumpanya na idinaos sa isang beach resort matapos na malunod ang isang 34-anyos na service clerk kamakalawa sa San Pedro City, Laguna.

Ang nasawi ay kinilalang si Isidro Junio Jr., may-asawa, food service clerk ng S&R Food Services at naninirahan sa Brgy. North Signal Village, Taguig City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang trahedya dakong alas-3:00 ng madaling-araw sa swimming pool sa Esquevel Resort sa Brgy. San Vicenter, San Pedro City ng lalawigan.

Ang party ay nagsimula dakong alas-8:00 ng gabi at nagtapos bandang alas-3 ng madaling araw kinabukasan kung saan nagulantang na lamang ang mga kasamahan ng biktima ng makitang nasa ilalim ito ng pool.

Show comments