Alas Girls naka-podium finish sa Thailand

MANILA, Philippines — Pinadapa ng Alas Pilipinas girls volleyball team ang Australia, 25-13, 25-21, 25-20, para angkinin ang bronze medal sa 22nd Princess Cup SEA U18 Championship sa Nakhon Pathom, Thailand.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na tinalo ng mga Pinay spikers ang mga Aussies matapos nilang talunin sa preliminary round.

Bigo ang Alas Girls na masikwat ang championship ticket nang yumukod sa Indonesia via straight sets.

Inasahan ng under-18 national team ni Japanese coach Taka Minowa sina team captain Harlyn Serneche at Denesse Daylisan ng National University Nazareth School at Ashley Macalinao ng Kings’ Montessori sa pagdaig sa Australia.

Naduplika ng tropa ang makasaysayang bronze medal finish ng Alas Pilipinas national women’s squad ni Brazilian mentor Jorge Souza De Brito sa nakaraang 2024 AVC Challenge Cup for Women.

Nasa koponan din ng Alas Girls sina NU-Nazareth School stalwarts Bubay Belen at Akeyla Bartolabac, University of Santo Tomas upstarts Chas Pepito, Avril Bron, Kimberly Rubin, Jaila Adrao, Maile Salang, Aneeza Santos at Lianne Penuliar at Gillian Marzan ng De La Salle-Zobel.

Show comments