Pinoy spikers tumapos sa 10th place

Si Marck Espejo at ang Alas Pilipinas men’s team matapos ang kabiguan sa Thailand sa classification round ng AVC Challenge Cup For Men sa Bahrain.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Minalas ang Alas Pilipinas na makuha ang hinaha­ngad na ninth place finish matapos yumukod sa defen­ding champion Thailand, 20-25, 25-23, 22-25, 20-15, sa 2024 AVC Challenge Cup for Men classification round sa Manama, Bahrain kamakalawa ng gabi.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na tumapos sa 10th place ang mga Pinoy spikers.

Sa kabuuan ay nagtala ang koponan ng 1-3 kartada sa torneo tampok ang nag-iisang panalo laban sa Indonesia.

Humataw si Marck Espejo ng 16 points mula sa 15 attacks at isang ace, habang nagtala si reigning UAAP Rookie of the Year Jade Disquitado ng 14 points galing sa 13 attacks at isang block.

Nagdagdag si middle blocker Lloyd Josafat ng si­­yam na marka mula sa pitong attacks at dalawang  blocks para sa tropa ni Brazilian coach Sergio Veloso.

Samantala, mananatiling mentor ng Alas Pilipinas women’s team si Brazilian coach Jorge Souza de Brito hanggang sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre ng susunod na taon.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Volley­ball Federation (PNVF) president Ramon ’Tats’ Suzara sa gitna ng exhibition match ng Alas Pilipinas women’s squad sa South Korea.

Show comments