Ginebra amoy na ang finals

Iniwanan ni L.A. Tenorio ang kanyang mga bantay para sa kanyang tira.
PBA Image

MANILA, Philippines — Umahon sa malalim na pagkakalubog ang Barangay Ginebra upang makaeskapo mula sa Meralco, 89-84, sa Game 5 ng 2024 PBA Philippine Cup semifinals kahapon sa Mall of Asia Arena.

Natambakan ng hanggang 15 puntos ang Gin Kings sa third quarter bago ito unti-unting tunawin tungo sa pagsikwat ng krusyal na 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven semifinal series.

Namumuro na ngayon ang Gin Kings sa finals at tatangkaing makuha na ang serye sa Miyerkules sa parehong venue para sa tiket sa finals kontra sa nag-aabang na reigning champion San Miguel Beer.

Winalis ng Beermen ang karibal na Rain or Shine, 4-0, sa kanilang sariling bracket para sa ikalawang sunod na finals appearance nito nga­yong season matapos ding pagharian ang Commissioner’s Cup.

Lumapit ang Ginebra sa parehong misyon na iyon sa pangunguna ni Christian Standhardinger na tumabo ng 34 puntos, 10 rebounds at 5 assists.

Tampok dito ang pambaong jumper sa huling minuto upang mabig­yan ng 5-point lead ang Ginebra tungo sa dikit na tagumpay sa tulong ng 13 at 10 puntos nina Maverick Ahanmisi at Japeth Aguilar, ayon sa pagkakasunod.

Show comments