Philippines- team sa Paris Olympics nadagdagan na naman

Carlos Yulo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglobo ng pambansang delegasyon na magtatangkang humirit ng medalya sa 2024 Paris Olympics.

Nadagdag sa listahan si Filipino-American gymnast Emma Malabuyo na umani ng silya sa Paris Games.

Si Malabuyo ang h­ighest ranked athlete sa Women’s Artistic Gymnastics Asian Championships all-around event na ginaganap sa Tashkent, Uzbekistan — sapat para masiguro ang silya sa Paris Olympics.

Nagtapos sa ikatlong puwesto si Malabuyo ta­ngan ang 50.398 puntos.

Nanguna sina China bets Hu Jiafei (50.699) at Qin Xinyi (50.566) na nakakuha ng ginto at pilak, ayon sa pagkakasunod.

Subalit kwalipikado na sina Hu at Qin para sa Paris Games dahil bahagi ito ng Chinese squad na nakapasok sa team event ng ginanap na World Championships noong nakaraang taon.

Kaya naman awtoma­tikong naibigay kay Mala­buyo ang puwesto sa Paris Olympics.

Nakalikom si Ma­labuyo ng 13.333 points sa floor exercise, 13.033 sa vault, 12.566 sa balance beam at 11.466 sa uneven bars.

Si Malabuyo ang ika­apat na Pinoy gymnasts na nagkwalipika sa Paris Games.

Makakasama nito sina world champion Carlos Yulo, Aleah Finnegan at Levi Ruivivar.

Show comments