Jr. Altas No. 1 sa Final 4

MANILA, Philippines — Inangkin ng University of Perpetual Help ang No. 1 spot sa Final Four matapos ang 111-80 pagdurog sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 99 juniors basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Tumipa si Jan Pagula­yan ng 25 points para sa 8-1 baraha ng Junior Altas na kinubra rin ang ‘twice-to-beat’ bonus sa se­mifinals.

Ang Staglets (6-3) ang posible nilang makaha­rap sa semis.

Wagi ang San Beda sa Mapua, 75-66, at tinalo ng Emilio Aguinaldo College ang Jose Rizal University, 63-47.

Show comments