Batang Gilas sasagupa sa Lebanon sa FIBA U18

MANILA, Philippines — Sasagupain ng Ba­tang Gilas ang palaban na Lebanon sa pagsisi­mula ng 2018 FIBA Under-18 Asian Cham­pion­ship ngayon sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Nakatakda ang sagu­pa­an sa alas-9 ng gabi (Philippine time) kung saan hangad ng Natio­nals na maitala ang 1-0 record para mapalakas ang tsansang makapasok kaagad sa quarter­finals ng naturang torneo na magsisilbing qua­lifier para sa FIBA Under-19 World Cup sa susunod na taon.

Ayon sa format ng U-18 Asian Championship, tanging ang top seed lang sa bawat grupo ang papasok sa quarterfinals, habang ang magtatapos sa segun­da at tersera puwesto ay ki­nakailangan pang dumaan sa qualification round at ang kulelat na ko­ponan ay matatanggal na sa kontensyon.

Ang unang puwesto sa grupong kinabibila­ngan ng Lebanon, Uni­ted Arab Emirates at po­werhouse na China ang susubukang makuha ng 34th-ranked na Batang Gi­las.

Ang tropa ay babanderahan ng twin towers na sina 7-foot-1 Kai Sotto at 6’10 AJ Edu.

“We’ll try to finish the best finish we can. Like I said, it’s tough to give a number,” sabi ni coach Josh Reyes.

Huling naglaro ang bansa sa FIBA U19 World Cup noong 1979.

Kasama rin sa Ba­tang Gilas nina Sotto at Edu sina Raven Cortez ng La Salle, Geo Chiu ng Ateneo, Xyrus Torres ng FEU, Rhay­yan Am­sali ng San Beda, Bis­­marck Lina ng UST, Jo­shua Ramirez, Gerry Abadiano, Miguel Oczon, Dave Ildefonso ng NU at si Filipino sensation Dalph Panopio.

Show comments