Cash o gift na gustong matanggap ngayong Pasko

“Puwede ba cash na lang please! Para pang dagdag sa budget namin sa handaan!” - Mabel, Caloocan

“Talagang literal na ginagawang materlialistic ang Pasko. Bakit kayo nanghihingi ng regalo o cash? Kayo ba ang may birthday? Kaya nga ang mga anak ko hindi ko pinalaking manghihingi ng kahit ano. Para matutunan nilang hindi gawing negosyo ang Pasko!” - Sheryl, Makati

“Ako regalo, kasi ang pera mauubos lang, pero yung gift ay magsisilbing remembrance na maalala mo yung taong nagbigay sa iyo.” - Gabbi, Mandaluyong

“Hindi ka naman puwedeng mag-demand ‘di ba? Regalo nga eh na ibig sabihin ay bigay lang at hindi hinihingi. Kung ano ang iabot sa iyo magpasalamat ka, kung wala ay okey lang din dapat.” - Elsiey, Lucena

Show comments