Salad at patay na bubuwit

Panaginip: May kinakain akong vegetable salad na nasa Tupperware. Tinidor ang aking gamit habang kumakain. Sa bandang ilalim ay may natusok ang aking tinidor na patay palang bubuwit. Sa sobrang kabiglaanan ay nagising ako. Totoong sumakit bigla ang aking sikmura na para akong masusuka.—Molly-Pisces

Interpretation: Nakatulog ka na nagsisimula nang sumakit ang iyong tiyan pero hindi masyadong pinansin. Siguro, naisip mong lilipas din iyon. Ang panaginip mo lang nagpa-realize sa iyo na totoong masakit ito. Ang purpose ng dream ay gisingin ka upang mabigyang lunas mo ang nararamdaman.

Show comments