Richard at Barbie, naki-selfie sa Korea

Spotted sa South Korea sina Richard Gutierrez and Barbie Imperial.

May kumalat na photos na may naki-selfie sa kanila.

Last May ay spotted din sila sa Amanpulo.

Pero masyado raw conscious si Barbie that time. ‘Pag may ibang tao diumanong nakikita ay parang gusto nitong magtago.

Wala namang masama kung totoong magkasama nga silang nagbabakasyon sa Amanpulo at ngayon nga ay sa Korea.

Nauna nang nagsalita si Sarah Lahbati na single na siya. Ito ay nang sagutin ng ex-wife ni Richard ang intrigang nakita siyang may ka-date sa Hong Kong.

“I think as, as a woman, we’re all allowed to have guy friends but again, it’s okay to speculate because again, I’m single and it is part of this whole new thing.”

Show comments