Kylie, hindi na interesado sa balikan nila ni Jake!

Kylie

Para sa aktres na si Kylie Verzosa ay walang dahilan para makipagkaibigan pa sa ex.

Hindi raw siya naniniwala na dapat pang maging magkaibigan ang mag-ex. Ito raw ay bilang respeto na lang sa bagong partner at bagong partner ng ex.

Maaari raw maging civil at walang bad feelings sa isa’t isa pero hindi na raw kailangan pang maging friends ang dating magkarelasyon.

Sinabi rin niyang hindi naging traumatic ang kanyang naging relasyon sa ex-boyfriend na si Jake Cuenca pero marami siyang natutunan sa parteng ito ng kanyang buhay.

Pakiramdam daw niya ay kailangan nila itong pagdaanan dalawa.

Masaya na raw siya ngayon kung nasaan siya at masaya rin siya para sa aktor. Maaalalang tatlong taon ang naging relasyon nila.

Mukha wala pang plano si Kylie na isapubliko ang foreigner boyfriend niya habang si Jake ay sinasabing masaya sa piling ng aktres at dating GirlTrends member na si Chie Filomeno pero wala pa silang inaamin.

Show comments