Kylie, engaged na?!

Kylie at BF

Ayaw pa ring magsalita ng aktres na si Kylie Verzosa tungkol sa kanyang love life.

Gusto raw talaga niyang gawing pribado ito.

Nang tanungin siya tungkol sa kumalat na litrato niya kasama ang isang foreigner ay pinagdiinan niyang gusto niyang gawing pribado ang kanilang relasyon dahil magkaiba ang kanilang industriya.

Nirerespeto raw nito ang kanyang industriya at ganoon din siya roon.

Maaalalang inamin ng ex ni Jake Cuenca na may bago na siyang karelasyon at mas piniling hindi ito isapubliko.

Ipinost nga din niya ang photo niya na may caption na “fine, jowa reveal!” na kasama niya ang football superstar na si David Beckham bilang pang-asar sa mga maritess na naghihintay sa kanyang jowa reveal.

Samantala, kumalat kamakailan ang litrato nila ng isang lalake na kasama niya sa kanyang tila bakasyon sa Japan kung saan hindi niya pinakita ang mukha nito kaya naman hirit ng netizens ay mag-jowa reveal na siya.

Isa pa sa inintriga ng mga tagahanga niya ay ang kanyang mirror selfie kung saan makikitang suot niya ang isang singsing na may malaking bato.

Kaya tanong ng netizens ay engaged na nga ba siya?

Show comments