Sanya, faithful ang hinahanap na lalaki

Sanya Lopez

Naging game si Sanya Lopez na pag-usapan ang tungkol sa estado ng kanyang lovelife. Inamin ng Kapuso leading lady na may pumoporma sa kanya ngayon.

“May guys naman na lumalapit sa atin. ‘Di ko kasi alam kung nanliligaw ba talaga. Ayokong pangunahan,” sagot ng Sparkle star.

Hindi binanggit ni Sanya kung sino ang nanliligaw sa kanya. Nag-share na lang siya kung ano ang ideal man na gusto niya.

Ayon kay Sanya ang gusto niya ‘yung “faithful at totoo ang pagmamahal” na binibigay sa kanya.

Mahalaga rin daw na “irerespeto siya lalong lalo na sa kanyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kanya.”

Gusto rin ni Sanya na maunawain ang kanyang ideal partner tungkol sa trabaho niya bilang aktres, lalo’t sa pagpasok ng 2024 ay dalawang malalaking projects ang gagawin niya para sa GMA.

Barbra, binigyan ng highest tribute

Si Barbra Streisand ang ika-59th recipient ng SAG Life Achievement Award. Ginagawad ang highest tribute na ito dahil sa career achievements and humanitarian accomplishments. 

Tatanggapin ng 81-year-old music and film icon ang parangal sa 30th annual Screen Actors Guild Awards on February 24 sa Shrine Auditorium & Expo Hall in Los Angeles.

“This award is especially meaningful to me because it comes from my fellow actors, whom I so admire,” sey ni Streisand na kakalabas lang ng kanyang memoir, My Name is Barbra, na nasa New York Times’ bestseller list.

Sa anim na dekadang career ni Barbra, nakatanggap ito ng 2 Oscars, 4 Emmys, 10 Grammys, 3 Peabodys, an honorary “Star of the Decade” Tony, an AFI Live Achievement Award, a Cecil B. DeMille Award, a Justice Ruth Bader Ginsburg Woman of Leadership Award and the Presidential Medal of Freedom.

Si Barbra rin ang only recording artist to achieve a No. 1 album in each of the past six decades.

Show comments