Sanya, nag-unwind sa Japan!

Sanya

Ang bongga naman ng Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Marami sa mga celebrity ang nagbakasyon noong long weekend upang mag-recharge at makasama ang kanilang mahal sa buhay at kasama na rito si Sanya.

Bumisita pala ito sa Japan at natagalan bago siya muling nakabalik roon kaya naman na-miss niya ang Japan.

Caption niya sa kanyang post kung saan ibinahagi niya ang mga litrato niya roon, “So excited to visit Japan once again! It’s been a long time since my last tour to this beautiful place.”

At caption pa niya sa isang post kung saan sinabing nag-unwind siya sa lugar, “To travel is to unwind especially in Japan!”

Halatang enjoy na enjoy ang kapatid ni Jak Ro­berto sa kanyang mga litrato at naka-bonding pa sina Arci Muñoz, Tony Labrusca at Thou Reyes.

Show comments