Andrea, hirap intindihin ang dalawang personalidad!   

Andrea

Ayon kay Andrea Brillantes, magkaiba ang personalidad niya bilang Blythe (her real name) at Andrea.

“Si Andrea, siya ‘yung perfectionist. As in. Ako kasi, taong masipag na tamad. Pagdating sa trabaho talaga, sobra ako. Pero kapag (nasa) bahay ako, ‘di mo na ‘ko makakausap kasi talagang para akong gulay,” pagbabahagi ni Andrea sa panayam sa kanya ng Star Magic.

“Para akong kamote sa kama. Hindi talaga ako gagalaw. Hindi rin ako maliligo. As in,” dagdag pa niya.

Sey pa niya, mas mature raw si Andrea kaysa kay Blythe. At ito raw ang dahilan kung bakit minsan ay boses-bata siya.

“Si Blythe, makulit, sobrang straightforward ko. Si Andrea, mas mature. Si Blythe, bata. As in bata. Kaya mayroon akong boses na baby, meron din akong boses na malaki,” lahad niya.

Paliwanag pa niya, hindi rin daw kasi siya nagkaroon ng childhood dahil sa sobrang aga niyang nagsimulang mag-artista. Kaya parang nagkaroon daw siya ng double personality.

“Nagkaroon din ako ng double personality kasi mayroon akong Blythe, mayroon akong artista (as Andrea) side. Kasi, kapag nilabas ko ‘yung Blythe ko, maloloka, mawiwindang ‘yung mga tao. As in. Kasi, baliw ako, eh,” aniya.

Pahabol pa niya, “baliw with a heart.”

Ang isa pa raw pagkakaiba ng dalawa, mas free at happy go lucky si Blythe kaysa kay Andrea.

“Si Andrea ‘yung may Twitter, si Andrea ‘yung aalis, magtatrabaho. Si Blythe, magpa-party,” sey pa niya.

Si Blythe rin daw ‘yung nakikipag-date sa dyowang si Ricci Rivero.

Hirit pa ng aktres, “mahirap akong intindihin. Ako nga, hindi ko naiintindihan self ko, eh.”

Sakit ni Kris, nadiskubre ng Indian doctor?!

Nakakatuwang malaman na bumubuti na ang kalagayan ni Kris Aquino na kasalukuyang nagpapagamot sa US.

“May nagparating po sa amin na isang kaibigan ng balitang natumbok na kung saan nanggagaling ang allergies ni Kris Aquino,” pagbabalita ni Nay Cristy Fermin sa kanyang programa.

Ang dapat pasalamatan sa magandang development na ito sa kalusugan ni Kris ay ang bago niyang Indian doctor na si Dr. Sudhir Gupta na espesyalista raw talaga sa allergies and autoimmune disease.

“Ito ‘yung Indian doktor na talaga pong dinarayo ng lahat ng mga mayayaman sa buong mundo,” aniya.

Sobrang husay raw talaga ng doktor na ito at marami na raw napagaling. Katuwang pa raw nito ang anak na doktor na magaling din.

“Sabi nga ng kaibigan ko, okay na okay na si Kris Aquino ngayon. Hindi na siya tulad ng dati na talagang nanghihina, na marami siyang pekas-pekas at pasa sa buong katawan.”

Sana nga raw ay magtuluy-tuloy na ang paggaling ni Kris at nang makauwi na ito sa Pilipinas.

Show comments