Yassi nagsalita na sa relasyon nina James at Issa, Nadine nag-reach out!

Yassi

MANILA, Philippines — Tinapos na ni Yassi Pressman ang isyung ang kapatid na si Issa Pressman ang dahilan ng hiwalayan ng dating magkarelasyon na sina James Reid at Nadine Lustre. Nagsalita ito at sinabing maayos pa rin ang pagkakaibigan nila ni Nadine at hindi totoong galit ito sa relasyon ng dalawa.

“Sige po, para tapos na po ah. Isang beses ko lang po ito sasabihin. Wala pong problema, kami po ni Nadine, ok po kami. Ok rin po ‘yang buong pamilya namin at syempre po bago po nag-public ang lahat, lahat po naasikaso in private. So lahat po walang problema.

“We’ve been friends ever since we were kids kaya naman lahat po ok po. Saka ilang taon na rin po. Kaya sana everybody lets everyone be happy.”

Nanghingi pa raw ng tawad si Nadine nang sabihin niyang nagkaka-anxiety siya sa mga natatanggap na pamba-bash mula sa fans.

“Natuwa lang din po ako sa kanya sabi ko ‘oy girl nagkaka-anxiety ako sa lahat ng mga tao.’ She said ‘sorry to hear that. I hope you’re feeling better.’ Kasi ‘yun po talaga ‘yung totoong kaibigan. Siya po ‘yung nagsabi no’n ‘I hope you’re feeling better.”

Inamin niyang nagulat siya nang malaman niya ang tungkol kina James and Issa pero hinayaan niya na raw ang mga ito dahil nasa tamang edad na.

Show comments