Arjo at Maine, buking sa imbitasyon ang kasal!

Arjo at Maine

Malapit na nga yata ang kasal nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil may mga lumabas nang groomsmen invitation from Arjo sa mga napili niya. Nabasa namin ang pangalan ni Enchong Dee na isa sa mga pinadalhan ni Arjo ng invitation na may kasama pang gift box.

Nakasulat sa invitation card na ipinadala ni Arjo ang, “Help I need a groomsmen! I choose you! Time to suit up! And I can’t imagine doing this without you. Ang mag NO, may karma ( I may or may not be kidding). Good luck!”

Lahat ng pinadalhan ni Arjo ng invitation ay nag-yes at hintayin natin kung si Maine naman ang mag-post ng invitation sa mga napili niyang maging bridesmaids, at maid of honor at iba pang kasama sa wedding entourage.

Hintayin natin kung sino kina Maine at Arjo ang magpo-post ng principal sponsors sa kanilang kasal.

Wala pang nababanggit kung kailan ang kasal at careful si Arjo na ‘wag ‘yun isulat sa invitation niya sa mga napiling maging groomsmen niya.

Masayang-masaya ang ArMaine fans at feeling nila, malapit na itong mangyari. Hindi na raw sila makapaghintay at may mga request na nga na may live coverage para mapanood ng fans nila na nasa ibang bansa ang magiging wedding of the year.

Bianca, nag-umpisa na sa Sanggre?!

Nabuhayan ng dugo ang mga Encantadiks sa post ni Director Mark Reyes na nagsimula na ang preprod ng Sanggre at nagkaroon ng first creative meeting ang mga taong involved sa series.

Tinag ni Direk Mark sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Kylie Padilla at may pa-“See you soon” si Direk Mark.

Ibig sabihin, ang apat na gumanap na mga sanggre sa 2016 remake ng Encantadia ang siya pa ring magbibida sa Sanggre.

Hindi kasama sa tinag ni Direk Mark si Bianca Umali na nabalitang gaganap sa title role. Wala pa nga lang official announcement na siya nga ang magbibida sa Sanggre pero usap-usapan na ito. In fact, nagsimula na siyang mag-training.

Ang saya-saya ng mood sa comment box ni Direk Mark at tila nakalimutan na sa 2024 pa ang airing ng Encantadia dahil nakalatag na ang mga series na for airing this year.

Show comments