NBA legend Shaquille O’neal lalaro na ulit, gumaling ang hip surgery  

Shaquille

Na-confine sa ospital kamakailan ang NBA legend at comedian na si Shaquille O’Neal dahil sumailalim ito sa hip surgery.

Pinost ni Shaq ang photo niya mula sa kanyang hospital bed sa Twitter at nag-tweet siya ng “I’m always watching @TurnerSportsEJ and @Candace_Parker miss y’all.”
Matagal na raw due ang surgery ni Shaq pero naging busy ito sa kanyang show na NBA on TNT. Ngayon ay naka-leave siya dahil sa surgery at magbabalik siya sa April.

Dagdag pa niya na kailangan niyang mag-diet for the next 90 days. Kaya ang kanyang kakainin lang ay chicken breast, fruit plate, salad and fruit shake.
Sey ni Shaq: “I’ll be back April 16, and I’m going in. I’m going to try and lose 30 lbs. and I’m going to try and get an eight-pack. Right now I got a little five-pack. I was 401 lbs. Now I’m 365. I’m trying to take it back to 345.”

Sparkada Kim, may wish kay Drew

Natupad ang wish ng Sparkle artist na si Kim Perez na makasama sa isang malaking teleserye at nangyari iyon sa Hearts On Ice kunsaan co-stars niya sina Ashley Ortega at Xian Lim.

“Nakakatuwa po ang mga nangyayari ngayon sa career ko. After na maging part ako ng Sparkada, heto at nakasama ako sa isang top-rating primetime tele­serye. Dati ay wish lang ito, ngayon ay natupad na,” sey ng model-turned-actor.

Blessing raw kay Kim ang sunud-sunod na projects sa GMA. Bukod sa teleserye, napapanood din siya sa isang segment sa morning show na Unang Hirit kunsaan nakikipag-interact siya sa televiewers ng UH sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Isa pang wish ni Kim ay ang maging host siya ng isang travel show tulad ng Biyahe ni Drew. Kaya patuloy lang daw ang pag-attend ni Kim ng workshops para mas marami pa siyang matutunan sa pag-arte at sa pagiging TV host.

Show comments