Jeric, nadala noon sa ‘gay’

Jeric

MANILA, Philippines — Finally nag-come out na si Klea Pineda bilang miyembro ng LGBTQI community. Maganda at sexy si Klea at pinag-isipan daw muna niya bago siya nagpahayag ng kanyang tunay na kasarian. Inisip rin daw niya ang epekto nito sa career niya.

Anyway, noong gawin niya ang seryeng Ikalimang Utos at Magkaagaw pa lang ay alam na namin na may pagka-gay si Klea pero hindi mo mahahalata dahil very sweet sila ni Jeric Gonzales dahil sa utos ng Magkaagaw production.

Siguro nga nadadala na si Jeric sa pagiging sweet nila sa isa’t isa . Kaya sinubukan ni Jeric na ligawan ito pero namayani ang pagiging tonggril ni Klea.

Pero nirespeto namin ang pananahimik ni Klea sa mga chika noon na finally ay ni-reveal na niya.

Pa-thanksgiving…

Isang thanksgiving merienda ang idinaos ng Saranggola Films bilang pasasalamat sa awards na natanggap nila sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies.

Dinaluhan ito ng On The Job actor na si John Arcilla.

Dumalo rin sa nasabing okasyon ang anak ng producer ng Saranggola Films na si Christi Fider na nanalo naman sa PMPC Star Awards for Music for Best New Female Recording Artist para sa kanyang Teka Teka song na sinulat ni Joven Tan.

Show comments