MANILA, Philippines - Magtatanghal ang ilan sa ating sikat na recording artist sa paglulunsad ng Manila Broadcasting Company at Star City sa 2012 MBC National Choral Competition, na gaganapin sa Aliw Theater.
Si Nyoy Volante ang mangunguna sa December 3, kasunod naman si Sabrina sa December 4. Si Dingdong Avanzado, na kagagaling sa isang matagumpay na concert kamakailan, ang siya namang guest sa December 5, habang si Nina naman ang awit sa December 6.
Para sa grand finals ng December 7, magtatanghal ang Pinoy Pop Superstar year 3 runner-up na si Bryan Termulo at ang Little Big Star winner na si Anja Aguilar.
Forty four na batikang mga choir mula iba’t ibang bahagi ng bansa ang magtatagisan para sa kampeonato ng MBC National Choral Competition. P150,000 ang nakalaan sa magwawagi sa open category, at P100,000 naman para sa children’s division
Ang 2012 MBC National Choral Competition ang siyang maglalatag ng daan para sa Sing n’ Joy Manila – ang international choral festival na binubuo ng MBC katuwing ng Interkultur Germany at Philippine Choral Directors Association para sa December 2013.