Fighting Maroons hinugot si Kaw

MANILA, Philippines — Nagdagdag ng pu­wersa ang University of the Philippines upang pag­handaan ang nalalapit na pagbubukas ng UAAP Sea­son 89 men’s basketball tournament sa susunod na buwan.

Tinapik ng UP ang serbisyo ng point guard na si Ethan Kaw para makatulong sa opensa at mas maging mabilis ang kopo­nan sa pag ikot ng bola.

Ipaparada ng Fighting Maroons si Kaw sa simula ng UAAP sa Setyembre 12 sa MOA sa Pasay City.

Naglaro si Kaw sa high school sa Saint Jude Ca­tho­lic School bago naging Ateneo Blue Eaglets.

Magiging bentahe ni Kaw ang kanyang taas na 6’0 dahil lalaro ito bilang point guard para sa UP.

Bukod sa pagiging kamador ni Kaw ay may tira pa ito sa labas na paniguradong magpapahirap sa mga makakalaban nila sa sa kanilang kampanya.

Kaya naman inaasa­hang isa sa magiging team-to-beat ang Fighting Maroons sa premier collegiate cage league.

Ayon kay Kaw, simple lang ang nasa kukote niya, ang magkaroon ng bagong exeperience sa bagong ginagalawan bilang atleta.

Show comments