Alkhaldi bumandera sa Pinas sa SEAG Age Group

MANILA, Philippines - Binanderahan ni Jasmine Alkhaldi ang kampan­ya ng national junior team sa pagsikwat ng tatlong ginto, isang pilak at isang tanso sa katatapos pa lamang na South East Asian (SEA) Age Group Swimming Cham­­pionships na dinaos sa Danang, Vietnam.

Binasag din ni Alkhaldi, kinukunsiderang pinakamalakas na homegrown female swimmer ng bansa sa kasalukuyan, ang SEA Age’s record sa 50m freestyle para sa kababaihan may edad 15-17 bago nag­­­marka rin ng bagong national mark sa 50m butterfly ng 28.55 segundo.

Dinomina rin ni Joboy Gonzales ang 400m indi­vidual medley sa pagtapyas ng limang taon ng SEA age group record sa kanyang inilistang 4:35.56.

Nag-uwi ang national team ng kabuuang 4-gold, 5-silver at 8-bronze medals sa nasabing meet.

Bunga nito, kakatawanin ni Alkhaldi, kasama sina Jessie Khing Lacuna at Charlie Walker ang bansa sa nalalapit na FINA World Swimming Championships sa Shanghai, China nga­yong buwan.

Show comments