Tanod patay sa riding-in-tandem

Patay ang isang ba­rangay tanod matapos itong tam­bangan ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin kama­ka­lawa ng gabi sa lungsod ng Malabon.

Nakilala ang nasawi na si Rocky Matias, 39, ng Hulong Duhat ng nabanggit na siyudad, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril. Mabilis namang tuma­kas ang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng isang motor­siklo matapos isagawa ang pamamaril.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas 6:15 ng gabi sa ka­habaan ng M. Blas Extension, Brgy. Hulong Duhat, ng natu­rang siyudad.

Nabatid na habang naka­tayo ang biktima ay biglang du­ma­ting ang mga suspect at walang sabi-sabi itong pina­ula­nan ng putok saka mabilis na nagsitakas sakay ng dala nilang motorsiklo.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima. (Lor­deth Bonilla)

Show comments