Maid na minaltrato humingi ng ayuda sa pagpapagamot

MANILA, Philippines - Humingi na ng tulong pinansyal sa mga kongresista ang binugbog na kasambahay na si Bonita Baran para sa pagpapa-gamot nito. 

Personal na sinama-han ni Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Acosta si Baran sa mga mambabatas para sa ayu­da sa pagpapagamot nito at base sa pahayag ng mga doctor, malabo na ang tsansang makakita pa si Baran.

Lumalabas sa CT scan nito na nabasag na ang mga buto na malapit sa mata ni Baran ng dahil sa pamamanalantsa dito at pag-untog ng kanyang amo.

Samantala, inilagay na sa pangangalaga ng Quezon City Jail sa Kamu-ning Quezon City at QC Jail Female Dormitory ang        mag-asawang Marzan.

Sinalubong ang mag-asawa ng sigawan ang mga inmates na nagsabi ng katagang “Ready na yung plantsa namin.” (Gemma Garcia/Ricky Tulipat)

Show comments