Chief of Staff ni VP Sara pinalaya na ng Kamara
MANILA, Philippines — Inutos ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagpapalaya sa Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez.
Batay sa sulat ng komite kay House Sergeant-at-Arms PMGen. Napoleon Taas, nakasaad na”immediately release” si Lopez matapos sumailalim sa medical examination.
Nabatid na ang pagpapalaya kay Lopez ay kasunod naman ng kondisyon nito na dadalo ito sa mga susunod na pagdinig ng Kamara.
Una nang ikinulong si Lopez sa House detention facility makaraang i-cite in contempt dahil sa mga pabalang na pagsagot sa komite noong November 20.
Tinatalakay ng Quadcom ang umano’y maling paggasta ng confidential funds ng OVP at ng Department of Education sa ilalim ng panunungkulan ni Duterte.
Bagamat inamin ni Lopez na sumulat siya sa Commission on Audit na huwag sundin ang hiling ng House panel para sa mga dokumento ng 2022 at 2023 confidential funds, sinabi nito na wala naman siyang alam kung paano ito ginastos.
Ikinulong si Lopez hanggang sa magkasakit nang malamang ililipat siya sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
- Latest