Hiyasmin (188)

Nagtataka si Hiyasmin kay Dax kung bakit ayaw pa nitong ipaalam kay Nanay Julia na may relasyon na sila. Huwag daw munang ipaalam. Bakit kaya?

Sumang-ayon na lamang si Hiyasmin kay Dax.

Pero kinabukasan, hindi siya nakatiis na hindi iyon sabihin kay Nanay Julia­. Kasi, alam din niyang nag­hihintay si Nanay Julia ng balita ukol sa kanilang da­lawa. Hindi niya matitiis ang matanda lalo pa’t ito ang may gustong magkatuluyan sila ni Dax. Botong-boto sa kanya ang matanda. At sa pagkagusto nga nito sa kanya, sinabihan siya na “gumawa ng hakbang” kay Dax. Siya na raw ang mag-“first move”.

Nilapitan niya si Nanay Julia na noon ay nagluluto ng almusal.

“May good news ako sa’yo Nanay,’’ sabi niya at inakbayan ito.

“Ano yun, Hiyasmin?’’

“Mag-on na po kami ni Dax, Nanay!”

Hindi agad nakapagsalita si Nanay at nakatingin lang kay Hiyasmin.

Makaraan ang ilang sandali, buong higpit na niya­kap nito si Hiyasmin.

“Salamat at nagkaunawaan din kayo, Hiyasmin. Masayang-masaya ako,’’ sabi nito na gumagaralgal ang boses.

“Kagabi po kami nagkaunawaan. Nagtungo siya sa room ko.’’

“Oo. Nakita ko ang pagpasok niya. Lingid sa kanya, naka­masid ako.’’

Gustong humalakhak ni Hiyasmin. Walang kamalay-malay si Dax na alam nang lahat ni Nanay Julia ang “lihim”.

(Itutuloy)

Show comments