NANANABIK si Trevor Buenviaje habang ikinu- kuwento ni Delmo ang relasyon ni Lina at ang helper sa gulayan. Sa pagkukuwento ni Delmo ay hala-tang alam na alam nga niya ang buong pangyayari.
“Paano mo nahuli sina Lina at ang helper?” ta- nong ni Trevor.
“Noong una ay hindi ako naniniwala na mayroong relasyon ang dalawa. Kasi nga e sabi ni Pareng Tommy, pinsan ni Mareng Lina ang helper. Kaya kapag nakikita kong nagbibiruan ang dalawa e okey lang dahil magpinsan. Kasi’y nakikita kong naghaharutan kapag nakasakay sa traysikel.
“May pagkakataon na sinabi ko sa helper na umang kas sa akin sa likuran at si Mareng Lina na lang ang sa loob, aba e nag pumilit na doon na rin daw siya sa loob. Iyon pala ay may nangyayari nang hindi magan- da sa loob. Nagkakahipuan na pala habang tumatakbo ang traysikel ko.”
Naghihintay si Trevor sa mga susunod pang kuwento ni Delmo. Mahusay magkuwento si Delmo dahil sunud-sunod ang eksena.
“Nakumpirma ko na talagang mayroon silang ginagawang hindi maganda nang hindi sila sumama sa akin pabalik. Dati kasi, hinihintay ko sila pagnadeliber na sa dealer ang gulay. Babayaran lang sila at sasakay uli sa akin at balik na uli kami sa bukid.
“Aba e sinabi sa akin ni Mareng Lina na mauna na lang daw ako at meron siyang bibilhin. Yung helper naman daw ay may pupuntahang kamag-anak. E di pumayag naman ako. Binayaran ako ng buo. Umalis na ako.
“Nang sumunod na biyahe namin ay ganoon na naman ang nangyari. Pinauna na ako at meron pa raw bibilhin. Yung helper naman ay magpapagupit daw. Binayaran uli ako ng buo.
“Nagduda na talaga ako. Malakas talaga ang kutob ko na mayroong nangyayari. Hindi ako bumalik sa bukid at sa halip ay sinundan ko si Mareng Lina.
“Mula sa tiyanggehan ay naglakad sila sa malapit sa terminal ng bus. Nauuna ang helper at kasunod si Mareng Lina. Nakabuntot ako sa kanila. Hindi ako nagpapahalata. Pagdating sa may terminal ng bus ay kumaliwa at tinungo ang isang lodging house. Sabay silang pumasok doon. Kumpirmado na naglalaro ng apoy ang dalawa. Ano ang gagawin ng lalaki at babae sa lodging house. At naisip ko, hindi magpinsan ang dalawa. Baka sinabi lang na magpinsan.
“Ang una kong naisip ay si Pareng Tommy. Kawawa naman ang kaibigan ko. Walang kamalay-malay na tinataehan sa ulo ni Mareng Lina. At ang lalaki pa ay ang itinuturing na ampon nila.
“Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa pagkakataong iyon. Gusto kong sabihin kay Pareng Tommy ang natuklasan ko pero hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Baka kapag sinabi ko sa kanya ay magdilim ang paningin at kung ano ang magawa…”
(Itutuloy)