“PAANO kung ayaw na talagang makipag-usap sa’yo ni Michelle, Kuya?”
Nasa tinig ni Abby ang pagkabahala. Para bang mayroon siyang kinatatakutan. Parang ayaw lang niyang sabihin sa akin na huwag na akong magpumilit sa isang taong wala nang pagmamahal sa akin.
“Tulungan mo akong makausap siya. Para maipaliwanag ko ang lahat at nang makahingi ako ng sorry. Kapag pinatawad niya ako, hindi ko na siya iistorbohin. Ang gusto ko lang, marinig ang patawad niya.”
“Sige Kuya, subukan kong kontakin siya. Ni hindi ko nga alam ang phone number niya. Maski ang e-mail address niya nagbago na rin.”
“Hahanapin ko sa PLDT directory ang pangalan niya. Siguro naman, hindi pa nawawala ang name niya sa directory.”
“Sige Kuya. Bukas dadaan uli ako rito. Mas maganda sana kung maku- ha natin pati cell number…”
“Sige akong bahala. Kapag hindi ko nakita sa directory ang name niya e gagawa ako ng ibang paraan. Hindi ako titigil hangga’t hindi nakukuha ang number niya.”
Nagpaalam na si Ab by.
Pag-alis niya, kinuha kong lahat sa aming cabinet ang mga lumang direktoryo ng PLDT. Hindi namin itinatago ang mga lumang direktoryo.
Hinanap ko ang apelyidong DE BELEN sa di-rectory. Maraming DE BELEN. Hinanap ko ang Michelle de Belen. May nakita ako. Excited ako. Pero nawala ang excitement nang makitang iba ang address ng Michelle de Belen na aking nakita. Wala nang iba pa.
Saka bigla kong naisip, bakit Michelle de Belen ang aking hinahanap gayung ang ama niya ang may-ari ng bahay at siyempre, dito nakapangalan ang number ng telepono. Ang problema ay hindi ko maalala ang pangalan ng kanyang ama. Binalikan ko ang nakaraan. Tila ANDO ang nickname ng tatay ni Michelle o parang KANDO…Parang MANDO…o parang NANDO... Hindi ko maisip!
Inisa-isa ko ang mga pangalan ng lalaki na may apelyidong DE BELEN. Napakarami. Halos maduling na ako sa pag-isa- isa sa mga pangalan. Hanggang sa mabasa ko ang pangalang SENANDRO DE BELEN. Tama! NANDRO nga ang palayaw. Maraming beses na nabanggit ni Michelle ang palayaw na NANDRO. Tiningnan ko ang address ni SENANDRO DE BELEN. Dimasalang, Sampaloc, Manila. Eto na nga ito. Hindi ako maaaring magkamali.
Agad kong isinulat ang number ni SENANDRO DE BELEN. Tinungo ko ang kinapapatungan ng telephone. Dinayal ang numero.
(Itutuloy)