INASIKASO ko si Fil habang nanonood si Jen. Ipinakita ko kung ano ang mga ginagawa kong pagsasakripisyo sa kanyang ama. Pero sa pakiramdam ko, balewala ang mga sakripisyo. Sa halip ang nakita ko ay galit. Kung maaari lamang ay mapalayas na ako sa bahay na iyon. At alam kong iyon na ang kanilang binabalak base sa mga narinig ko kanina.
Habang binibihisan ko si Fil ay hindi ito nakatiis na hindi tanungin si Jen.
"B-bat n-narito k-ka p-pa? G-gabi n-na "
"Dito ako matutulog Dad," sagot nito at pagkaraan ay tumingin sa akin.
"B-bakit?" tanong ni Fil.
"Babantayan kita."
"B-babantayan? M-meron n-na a-ako t-tagabantay. U-umuwi k-ka n-na at g-gabi na "
Lihim akong natuwa.
"Gusto kong dito matulog Daddy," giit ni ni Jen at makaraan ay sumulyap sa akin.
"H-indi! U-umuwi k-ka n-na!"
Lumabas si Jen. Aywan ko kung anong balak.
Saka ko lamang natuklasan na hindi pala umuwi kundi nasa guest room. At kinabahan ako nang malamang naroon siya. Paano kung may makitang ebidensiya na nagtatalik kami ni Carlo sa kuwartong iyon.
(Itutuloy)