NANGYARI ang kinatatakutan namin ni Ellie. Nahuli kami ni Ellie habang nagtatalik isang gabi at ang nakahuli sa amin ay si Aziza. Malaking pagkakamali namin ni Ellie sapagkat naiwan naming hindi naka-kandado ang pinto. Nagtiwala kami na walang ibang papasok. Inakala rin naming wala na ang pagbabanta ni Aziza tungkol sa nangyaring komprontasyon nila ni Ellie. Maling-mali kami. Kami na rin ang nagpahamak sa aming sarili.
Mainit na mainit si Ellie nang gabing iyon. Kakaiba sa mga nagdaang pagsasalo namin na malamig siya. Hindi naman ako nagtataka sapagkat naapektuhan siya ng problema nila ni Aziza noon. Ako namay wala ring gana sapagkat laging pagod bunga ng trabaho. Hindi nga kami gaanong nagkikita sa gabi sapagkat abala ako sa napakaraming trabaho dahil sa negosyo ni Sir Al-Ghamdi.
Kaya buhos na buhos kami ni Ellie nang gabing iyon. Ibinigay lahat ni Ellie ang naipon niyang pagkasabik. Ako namay ganoon din. Nakalimutan namin na maaaring may makapasok at makita ang ginagawa naming kahalayan. Kung makukunan kasi ng video ang "match" namin ni Ellie nang gabing iyon ay matatalo pa ang mga triple X na napapanood. Si Ellie ay tinalo pa ang mahusay na hinete sa pagsakay sa matikas na mola at walang kapaguran kung umarangkada. Naririnig ko ang mahinang ungol, subalit hindi sa isang nahihirapan. Parang kinikiliti na hindi ko mawari. Nakalimutan namin ang lahat. Hanggang sa may bumagsak sa sahig bunga nang natabig na pigurin. Napatigil kami sa pagkabigla. Sabay na napatingin sa bahaging binagsakan ng pigurin. Basag iyon. Umangat ang aming tingin at naipako sa taong nakatayo sa pintuan. Si Aziza!
Sa palagay koy matagal na si Aziza sa pintuan. Pinanood na kami. Nakalibre na nang isang magandang panoorin. Kung bakit naman kasi hindi namin inugali ni Ellie na magpatay ng ilaw. Maliwanag na nakita ni Aziza ang lahat. Walang maitatago. Inisip ko kung bakit bumagsak ang pigurin na nakapatong sa pandak na mesita. Nasagi iyon ni Aziza sa kabiglaanan marahil. Hindi inaasahan ang tanawing bumulaga sa kanya.