Juday, inabot ng bagyo at baha!
Ang masayang announcement ni Atty. Joji Alonso sa mediacon ng Espantaho na PG ang rating na ibinigay ng MTRCB sa pelikula na entry ng Quantum Films, Purple Bunny Productions at Cineko Productions sa 2024 Metro Manila Film Festival.
Ibig sabihin, pati bata makakapanood nito.
Nakita rin namin ang isang poster ni Judy Ann Santos na kasama ang child actor na si Kian Co at nakalagay ang “PG” rating. Mapapanood din ni Kian ang kanyang pelikula unlike sa ibang horror films na bawal ang mga bata kahit kasama sa cast.
May post si Atty. Joji sa FB tungkol sa experience in making Espantaho at dito pa lang, marami nang malalaman sa hirap na dinanas ng production at creative team.
“The film Espantaho has been one rollercoaster ride. From the reduced work hours via-a-vis the number of sequences we had to complete per day, to the endless typhoons and floods and the outpour of prayers for good weather, to the limited number of days allocated for the shoot considering budget constraints, and the need to beat the deadline for the submission of the film for the MMFF.
“This is the first film I’ve produced where I was at the set every shoot day except on 2 days when I was out of the country and out of town. I had to work double time at the law office to make up for those days I couldn’t go to work.”
Nabanggit din ni Atty. Joji na 20th anniversary offering ng Quantum Films ang Espantaho, kaya sobrang espesyal. Sa cast pa lang, kay director Chito Roño at sa iba pang aspeto ng pelikula, kitang ginastusan.
Anyway, sa end ng February 2025 raw gaganapin ang Fantasporto 2025 kung saan, napili ang Espantaho na maging part sa Official Competitive Section.
Rhian, hinihiritang sumunod na kay Megan!
Sa rami ng nag-congratulate kina Megan Young at Mikael Daez nang ibalitang they are pregnant, kakaiba ang comment ni Rhian Ramos na ikinatawa ng mga nakabasa.
Sa halip na mag-congratulate, ang sabi niya, “Awww my gosh Megan may bata.” Sumagot tuloy si Megan ng “@whianwamos hahahahaha rhirhi.”
Comment ng netizens, witty raw si Rhian at best comment ang comment nito. Ang iba naman, tinanong siya kung kailan naman siya magkaka-baby? But of course, kailangan muna nilang pakasal ni Sam Verzosa bago sila magka-baby.
Samantala, masaya ang mga kaibigan nina Megan at Mikael na magkaka-baby na sila. Hindi yata nabanggit ni Megan kung ilang months na ang ipinagbubuntis niya, pero may baby bump na siya na very proud niyang ipinakita.
Nakakatuwa na may mga nag-o-offer nang maging ninong ni Baby Daez, gaya ni Juancho Trivino. Si Lauren Young naman na kapatid ni Megan ay ready nang maging tita, ganu’n din ang brother ni Mikael na si Emilio, ready na rin siyang maging tito.
- Latest