^

PSN Showbiz

Liezel, nagtanim ng galit sa mga magulang

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Liezel, nagtanim ng galit sa mga magulang
Liezel Lopez

Inamin ni Liezel Lopez na mayroon silang hindi pagkakaunawaan ng kanyang mga magulang. Sa Olongapo nakabase ang mga magulang ng Kapuso actress. “Nagtanim ako sa kanila ng galit talaga. Ayokong magalit pero nagagalit ako. Kasi they didn’t learn from what happened when they had me,” pagtatapat sa amin ni Liezel sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hindi na idinetalye ang tunay na dahilan kung bakit nagkaroon ng tampuhan ang aktres at mga magulang. Umaasa si Liezel na magi­ging mabuting mga magulang ang ama at ina sa kanyang mga kapatid. “I’m trying to explain to them how be to be better parents to my younger siblings. Kung sakaling hindi nila nabigay sa akin at least bawi sila to my brothers. I know na parang nag-struggle pa rin sila with that. It’s really bad na magtanim ng galit to your parents. Kasi ‘yung sabi nila na pagbali-baliktarin mo man ang mundo, parents mo pa rin sila,” emosyonal na pahayag ng dalaga.

Malayo man ang loob sa mga magulang ay sinisiguro ni Liezel na mahalin at malagaan ang kanyang mga kapatid. “Ako po ang nagso-shoulder sa mga kapatid ko para matulungan ko sila. So dahil ganoon ‘yung dynamics namin, I can only love them from afar which is bad but I have to accept na we can’t really be together. Kasi hindi nila ako pinapakinggan bilang anak,” makahulugang pagbabahagi ng aktres.

David, sa London nag-aral ng pagnenegosyo

Kasagsagan ng pandemya nang simulang magnegosyo ni David Licauco. Naisipan umanong sumabak ng aktor sa negosyo dahil sa hirap ng sitwasyon noon. “Hindi po ba lahat tayo nahirapan? Wala tayong trabaho. Ako po ‘yung nag-start lahat. ‘Yung Sobra Café may two branches na. That started during the pandemic. I was looking at food photos on Instagram. Sabi ko, pwede ‘tong gawin ha,” nakangiting kwento ni David sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Para sa binata ay hindi naging madali noong nag-uumpisa pa lamang ang sariling negosyo. “Ako po ‘yung nagpa-pack ng food. Sobrang hands-on, all the leg work I did,” dagdag ng aktor.

Nagmula si David sa pamilya ng mga negosyante. Nag-aral din ang Kapuso actor sa ibang bansa upang mas matutunan pa ang pagnenegosyo. Mayroon ng limang sangay ang restaurant ngayon ng binata na kinabibilangan ng Sobra Café at Kuya Korea. “I grew up in a family na businessman and businesswoman talaga. From there, I started studying. I studied in London Business School and then also improved on myself,” paglalahad ng binata. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->