^

PSN Showbiz

Ivana, ayaw magyabang

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana, ayaw magyabang
Ivana Alawi

Taong 2011 nang unang subukan ni Ivana Alawi ang pag-arte sa Tween Hearts ng GMA Network. Taong 2015 naman nang sumali si Ivana sa Starstruck.

Kahit hindi pinalad na manalo sa naturang reality show ay hindi naman daw sumuko ang aktres upang maabot ang mga pangarap. “Alam mo kasi gano’n ako eh, hindi siya first rejection. Siguro ‘yung first rejection mas iiyak, mas dadamdamin ko. Kasi parang I know there’s something better for me. I know that God has a bigger plan for me. Lumaban ka lang, ‘wag kang susuko sa mga battles at lahat ng failure mo, gawin mo siyang kalakasan mo. Learn from every mistake and become stronger. In God’s perfect time, you will get what you want,” nakangiting pahayag sa amin ni Ivana sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ngayon ay isa ang dalaga sa mga pinakasikat na content creators sa bansa.

Marami nang nagawang proyekto si Ivana sa telebis­yon man o pelikula. Kabi-kabila na rin ang produktong inendorso ng aktres.

Hindi raw kailan man sumagi sa isipan ng dalaga ang kanyang kasikatan. “Hindi ko talaga nilalagay sa utak ko kasi ‘pag nilagay ko sa ulo ko, feeling ko lalaki ulo ko. Turo sa akin ng nanay ko anytime pwedeng mawala sa ‘yo ‘yan. Dapat handa ka at dapat hindi ka magyayabang na ito na narating mo. Ang tingin ko talagasa sarili ko ay I’m still learning and I’m still working to be great, to be good, to be a star,” makahulugang paliwanag ng aktres.

Mapapanood sa video blogs ni Ivana ang pagtulong sa mga kabayayan nating mayroong pangangailangan.

Para sa dalaga ay kailangan niyang ipamahagi ang mga biyayang kanyang natatanggap. “Sobrang alam ko na blessed ako. Hindi ako tanga na ‘Gano’n po ba?’ Kaya nga nagshe-share ng blessings at kaya nga ako nakaka-appreciate sa mga ginagawa ko. Kaya rin ako nagsisipag is because I am blessed and I will work as much as I can,” paglalahad ng dalaga.

Maricel, takot paopera

Kamakailan ay ipinagdiwang ni Maricel Soriano ang kanyang ika-60 na kaarawan. Marami ang nakapansin na tila hirap na kumilos at maglakad ang Diamond Star ngayon. Ito ay dahil sa spine arthritis hanggang leeg.

Hanggang maaari ay ayaw ng beteranang aktres na maope­rahan ang kanyang likod.

Umaasa si Maricel namawawala ang sakit na nararamdaman sa iba pang paraan.

Para kay Maricel ay hindi dapat balewalain kapag mayroong sakit na nararamdaman sa katawan. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->