Scarlet, ang bilis lumaki!

Grabe, parang dalaga na si Scarlet Snow Belo.
Parang kailan lang, baby pa siya at karga-karga nina Vicki at Hayden.
Ang ganda-ganda niyang bata at alam mong matalino sa kanyang mga mata.
Kaya naman hindi nakakagulat na sobrang ganda niya ngayon.
Nakita ko ang latest post ni Dra. Vicki kaya naalala ko naman ang lahat.
Aniya sa post : “couple weeks in the city of angels with my angel wouldn’t spend this holy week break with anyone else. i love you so much @scarletsnowbelo.”
Wow, ano nga kayang adventure ang gagawin nila sa Hollywood?
Hindi ko pa nakakalimutan nung naimbitahan ako sa binyag ni Scarlet noong 2015.
Alam naman nating lahat na siya ay ipinagbuntis sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization (IVF) sa isang American-Mexican surrogate mother na hindi nakilala nina Vicki at Hayden.
Sabi nga ni Vicki noon, nadama niya na si Scarlet ay regalo ng Diyos sa kanila ni Hayden na aniya nang sandaling nakita nila noong baby pa ito, minahal na nila.
Kaya apo ko na talaga ang turing ko kay Scarlet.
Sana ay abutan ko pa na magka-boyfriend si Scarlet.
Hay ang bilis talaga ng panahon. Imagine noon parang takot pa akong hawakan si Scarlet dahil hindi naman ako marunong mag-alaga ng baby pero ngayon hindi ko na talaga kayang kargahin, ang laki na.
Hahaha.
Wish ko lang na isa sa mga araw na ito ay makita ko siya at mayakap.
- Latest