Janno nilaglag si Dennis!

‘Kaloka talaga ang drama ng buhay nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Bongga na tapos na ang kasal ng anak nilang si Claudia Barretto heto pa rin ang issue.
Nakakahiya sa groom na galing pa sa isang buena familia. Sana matapos na at mag-usap sina Dennis at Marjorie pagdating sa kanilang anak para hindi laging may issue.
Sayang naman na mawala ang chances ng kanilang mga anak na makakita ng magandang future sa kanilang magiging asawa kung ganyang nagkakagulo sila.
Hindi maganda. Hindi bongga.
At ang dami pang nadadamay na pati nga si Janno Gibbs na kaibigan lang ni Dennis ay na-bash pa.
Nagkomento lamang ito sa post ng kaibigan ng mga crying emoji, nang maghimutok iyon dahil nga imbes na father of the bride siya ay trinato raw siyang bisita, na agad na binuweltahan ni Marjorie.
Pati si Janno ay sinugod ng mga basher at kung anu-anong tinawag sa kanya gaya ng pagiging ‘enabler’ daw nito.
Nung una raw ay kalmado pa si Janno na nagpaliwanag na nakikisimpatiya lamang daw siya sa mga kaibigan at pina-define pa sa basher ang salitang enabler.
Pero mukhang sumabog din ito at minura na ang mga basher.
Wala naman daw siyang sinabi na sang-ayon siya sa kaibigan.
Malungkot daw ang kaibigan niya kaya nakisimpatiya lamang siya. Emoji na nga lamang daw ang kinomento niya pero natawag pa siyang enabler.
Hindi naman daw niya pinagtatanggol ang kaibigan kundi dinadamayan lang sa kalungkutan.
Tinawag pa raw nitong mga tanga ang mga basher.
At least sa sinabi ni Janno, mukhang ‘di niya kinunsinti ang kaibigan.
‘Kaloka sila.
Pilita, malaki ang ambag sa local music
Imagine mo na Linggo ng Palaspas kahapon pero hindi ako makapunta ng simbahan dahil madali akong mahilo.
Kaya talagang big day para sa akin ang lunch namin nina Salve, Pat-P Daza, Gorgy Rula, Tet na magkikita-kita kami para sa aming chikahan.
Ang sarap pag-usapan ngayon ng mga nagaganap sa showbiz.
Nakakalungkot ‘yung pagkawala ni Pilita Corrales, isang icon na talagang malaki ang nagawa sa ating local music.
- Latest