^

PSN Showbiz

Ashley,napasabak sa barilan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ashley,napasabak sa barilan
Ashley Ortega

Napapanood na sa Lolong: Pangil ng Maynila si Ashley Ortega. Ayon sa Kapuso actress ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang kanyang karakter bilang si Agent Tony sa serye. “Sana abangan nila kasi actually kakaiba na naman ‘yung character ko dito eh. Napasabak po ako sa action, so may baril-barilan, may mga fight scenes. So abangan nila ako do’n. Sana matanggap ako ng mga tao na nagpa-fight scene. Pero I’m happy kasi gusto ko rin po talaga gumawa ng action,” nakangiting bungad ni Ashley sa 24 Oras.

Huling nakatrababaho ng dalaga ang bida ng serye na si Ruru Madrid sa My Destiny noong 2014. Masayang karanasan para kay Ashley na muling nakatrabaho ang Kapuso actor. “Si Ruru rin kasi ‘yung isa sa mga artistang nakasama ko no’ng kaka-start ko lang din sa showbiz. So, it’s nice to work with him again as adults na,” giit niya.

Sina Ashley at AC Bonifacio ang kauna-unahang evictees ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Sa loob ng ilang linggong pananatili sa loob ng bahay ni Kuya ay napalapit na ang dalaga sa kasamahang housemates. Mayroong payo si Ashley para sa mga naiwan pa sa loob ng PBB house. “I just wanna let them know na once you’re in the outside world, I’ll be here to help you process things kasi naranasan ko ‘yon. ‘Yung paglabas mo parang information overload na mahirap i-process. So, I’ll be here in the outside world and help you guys process,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

David, may natutunan sa pagiging pari

Simula ngayong Sabado de Gloria ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Samahan ng mga Makasalanan na pinagbibidahan ni David Licauco at Sanya Lopez.

Napahanga umano ang Kapuso actor kay Sanya dahil sa kanilang mga ginawang eksena sa pelikula. Kabilang din sa naturang proyekto si Joel Torre na gumanap bilang si Fr. Danny. Aminado si David na namangha siya sa pagiging mahusay ng beteranong aktor. “Sobrang na-enjoy ko ‘yung scenes ko with Sir Joel Torre. He’s just so good. Talagang nagre-react ako sa mga binabato niya sa akin na emotions. Also with Sanya, and the rest of the cast. Sobrang na-appreciate ko efforts nila,” kwento ni David.

Mayroong mga natutunang leksyon si David dahil sa ginawang pelikula. Para sa binata ay may maiuuwing kaalaman ang sino mang makakapanood ng kanilang proyekto. “Pwede kang magbago and naisip ko na it only takes one person or one instance in life and that might change you,” paglalahad ng aktor. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->