^

PSN Showbiz

‘Wag pabudol sa mga pangakong ayuda’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Grabe, ilang linggo na lang at election na. Parang hinihila talaga ang panahon.

Hindi mo namamalayan, tapos na pala ang isang buwan.

At siguro naman, alam na natin ang gagawin sa May 12. Iboto ang karapat-dapat at kung sinong manalo, irespeto natin.

Tuwing election na lang, paulit-ulit ang sinasabing, vote wisely. Pero pagkakatapos naman ng election andaming nagsisisihan.

So bumoto tayo ng ayon sa ating konsensiya.

‘Wag magpapabudol.

Ilang taong manunungkulan ang mananalo ngayong election kaya’t ‘yun lagi ang alalahanin natin.

Basta kung sinong mananalo, irerespeto ko.

At boboto ako ayon sa kagustuhan ko, hindi ako madadala sa mga nangangampanya at maraming pangakong ayuda at alam ‘yan ng mga kakilala ko.

‘Yun lang at babu!

Make-up artist ni Nadine, na-random offload na naman sa kanyang maleta

Nakakaloka naman ang nangyari raw sa bagahe ng isang kilalang make-up artist ng mga celeb na si Jelly Eugenio na madalas daw na mag-make up kay Nadine Lustre.

Hindi nga raw ito ang unang beses na nangyari iyon sa kanya kaya tingin daw niya habambuhay na target ang bagahe niya.

Na-offload daw ang makeup baggage niya mula sa kanyang flight kung saan kailangan daw niyang dumiretso ng trabaho na bangungot ng bawat make-up artist.

Pangalawang beses na raw iyon, dahil unang beses nga raw sa Palawan at ngayon naman sa Siargao.

Marespeto raw niyang tinanong ang counter kung may chance mag-offload dahil tatanggalin na lang daw niya at iha-handcarry ‘yung mga importante.

Sinabihan pa siya nito na hindi naman daw.

Nilagyan pa raw iyon ng tag na ‘priority’ dahil ipinaliwanag nga raw niya na didiretso siya sa trabaho.

Unang sorpresa raw, na-delay ang flight ng dalawang oras. Nasa airport na raw sila at ang supposed flight nila ay nasa Manila pa.

Kung inakala niyang malala na iyon, bangungot daw ang pagpili nang random sa “priority” work bag niya na in-offload.

Sana maayos na ang mga ganyang problema sa airport natin.

Buti na lang at hindi na me nagta-travel saka ‘di ako nagdadala ng makeup. Hahaha.

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->