^

PSN Showbiz

Kyline at Kobe, split na agad?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Kyline at Kobe, split na agad?!
Kyline Alcantara at kobe Paras.
STAR

Nakakaloka naman ang intrigang hiwalay na diumano sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.

Mukhang unti-unti na raw binubura ng anak ni Benjie Paras ang mga litrato nilang magkasama, na as usual napansin agad ng mga matanglawin na marites.

May iba naman na nagsabi na parang nagkakalabuan na raw ang magkarelasyon.

Naging defensive pa naman noon si Kobe sa naging biro ko tungkol sa girlfriend niya na kinaloka ko talaga.

Ang suwerte pa sana ni Kyline na sobra ang pagmamalaki sa kanya noon ni Kobe.

Kung totoo man ay sayang naman na ang bilis lang ng naging relasyon nila.

Kung sabagay kawawa rin si Kyline sa mga basher.

Sinasabi ng mga ito na hindi raw ito ang tipo ni Kobe at inakusahan pa silang forda clout lang daw ang eksena ng dalawa.

‘Kaloka.

In all fairness bagay pa naman sana silang dalawa na parehong maganda at gwapo.

Three weeks ago ang huling post na magkasama sila sa isang event ng sapatos kung saan nagkomento pa si Kobe ng tatlong puso.

Wala naman silang photo na magkasama sa opening ng isang bar na pinuntahan ni Kobe.

Well, ganun talaga ang young love kung totoo man ngang break na sila ha.

Bata pa naman silang dalawa. Normal naman ang breakup sa magkasintahan.

Saka sa ganda ni Kyline siguradong marami siyang manliligaw na nakapila kapag naghiwalay sila.

Kung last year nga ay pinag-usapan sila, this year naman ay ang ex ni Kyline na si Mavy Legaspi at girlfriend nitong si Ashley Ortega naman ang mas pinag-usapan.

‘Kaloka.

KOBE PARAS

KYLINE ALCANTARA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with