^

PSN Showbiz

O charurut lang! Papa P, may jowa na?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
O charurut lang! Papa P, may jowa na?!
Kim Rivera at Piolo Pascual

May jowa na raw ba si Piolo Pascual?

Wow totoo kaya ‘yung mga kumalat na litrato niya na may kayakap na babae na nagngangalang Kim Rivera habang nasa dagat.

Ang girl pa nga ang nag-post ng photo nila.

In fairness bagay sila ha.

Pretty rin ang girl na may pagka-chinita at model daw iyon na may kapatid na model-actress na si Ashley Rivera raw, na hindi ko rin naman kilala.

Ang lakas pa rin talaga ng sex appeal ni Papa P na parang hindi tumatanda.

Ang dami ngang kinilig sa litrato nila.

Habang ang iba ay kinuwestyon kung talagang jowa raw niya ba iyon o pumayag lang siyang makipag-playtime dahil alam mo naman kung gaano kabaait si Papa P. Ganun daw kasi talaga ito ka-touchy at sweet sa lahat ng babae.
Or baka naman AI ito? Hahahaha.

Dominic, iniuwi na si Sue sa mga magulang

Ang bongga naman nina Dominic Roque at Sue Ramirez na ipinakilala na sa magulang ang aktres.

Kumalat ang litrato nila kasama ang parents ni Dominic.

Mukhang seryosohan na nga ang relasyon ng dalawa ha. Mukha nga raw malapit na ang exciting part at nag-e-expect na tuloy ang mga tagahanga nila na sa altar na ang tuloy nila.

Malapit na raw kayang mag-propose si Dominic kay Sue?

In fairness, mas marami ang boto sa kanila at wala masyadong nag-nega.

Bongga.

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->