Mr. M, lilipat na sa TV5

Ahh lilipat na pala ng TV5 si Mr. Johnny Manahan.
Diumano’y wala na itong contract sa talent arm ng GMA 7 na Sparkle.
Nakailang taon din si Mr. M sa Sparkle pero hindi siya naging visible sa mga event ng Sparkle.
May sariling talent arm na rin ang Kapatid Network at baka makatulong si Mr. M na magkaroon sila ng mas maraming stable stars lalo na nga at ang sabi ay hanggang 2027 na lang ang partnership ng TV5 and ABS-CBN Studio kaya kailangan na rin nilang maghanda na magkaroon ng mga sariling artista.
Sa ABS-CBN nga nag-umpisa si Mr. M bilang head ng Star Magic na pinamumunuan ngayon ni Mr. Lauren Dyogi.
- Latest